Lahat ng tao nahihirapan.
Oo, lahat. Iba- iba lang ang tipo. Minsan hindi lang kita, pero nahihirapan din ang bawat tao. Kahit na maraming nagsasabi na may ibang tao na di nahihirapan, nahihirapan rin iyon. Gaya nga ng nabanggit ko, iba iba lang ang tipo.
Sakripisyo.
Para kanino ba nagsasakripisyo? Edi sa kung ano gusto ng ibang tao na matanggap mula sa akin, mga magagandang grado. Kaya wala ng ibang paraan kundi mag tengang tapayan na lamang, sa mga masasakit na salita na sobrang tumatagos na. Kadalasang hindi nakikita ang sakripisyo, ang hirap na dinaranas, na ibinibigay para lamang maibigay ang matagal na nilang hinihingi. Kahit na tingin nila na basura, pahirap, pabigat, pinipilit mong maging bingi at ituloy ang ginagawa, para lang din naman sa kanila ito. Wala namang nagtagumpay na hindi nilalatigo sa likod.
Pasensya.
Yun naman kailangan lagi sa kahit anong bagay. Kakaunting pasensya lang para mabigyan ng daan ang ipinapaintindi sa isang tao. Ang problema, lagi na lang hindi iniintindi, lagi na lang mali.
Katapusan.
Hirap at sakripisyong pawang habang nasa proseso pa lamang ay nawawalan na ng saysay dahil sa kawalan ng pasensya, tila nawawalan na ako ng pag- asa na bigyan pa ang buhay ng pagkakataon. Hindi naman nawala sa isip ito. Sobrang hirap lang kasi ng mula't sapul ay dinudurog ka na, siguro hanggang huli dudurugin ka. ALAM ko na mas magiginhawahan sila na mawala na lamang ako.
Wala ng kailangan magpaalam, wala ng uuwi ng gabing- gabi. Wala ng isusuheto, Wala ng proproblemahin.
Malaya na kayo.