Wednesday, October 29, 2014

Late night thoughts

Sa totoo lang, ang sakit sakit na rin.

Hindi kita iniwan. Hinding hindi kita iniwan. Nawala ako sa landas ko pero never kitang iniwan. Naligaw ako, oo, ilang beses ko na rin inaamin na kasalanan ko yun. Pero sinubukan ko na lumapit muli, na humingi ng isa pang pagkakataon dahil alam ko, sigurado ako na this time it will be totally different. Tsaka mo ako iniwan.

Nanlumo ako ng matagal na panahon, lalo na ng malaman ko ang mga kasalukuyang nangyayari noon. Masakit dahil una, wala akong magawa. Pangalawa kilala ko ang lahat ng kasali. At pangatlo, dahil mahal na mahal pa rin kita. Wala sa mga sinabi ko ang pinakinggan mo, pinagpatuloy mo lang ang sakit na ipinararanas mo sa akin.

Nang ako naman ang nagsimulang lumayo, ikaw naman ang lapit ng lapit. Dagat na nga ang naging pagitan natin, hindi ito naging hadlang sa akin para sumubok na rumeconnect sa akin. Labis akong nasasaktan noon dahil kahit ano mang pilit ko na lumayo sayo, ikaw ang lapit ng lapit, lalo na kapag kinukwento mo kung gaano ka ka saya sa kasama mo noong panahon na iyon.

Nang ako nag sumusubok na lumapit sa iba, akala ko makakalimutan na kita. Ngunit, hinanap mo ako muli, nagparamdam ka ng pagmamahal tungo sa akin. Kahit na alam mo na mahal pa rin kita, at gusto ko sumaya sa iyo, pero may iba na akong sinusubukang maging karelasyon, tinuloy mo pa rin. Tinuloy ng tinuloy ng tinuloy hanggang sa nahukay mo yung pinakatatago kong mga pakiramdam tungo sa iyo. ibinuhos ko sayo ngunit bigla mong tinanggihan. Lumayo ako muli.

Nang makahanap ng ikasasaya, nandyan ka pa rin, lapit ng lapit, kausap ng kausap, hanggang sa muli mo ako nahukay. Muli mo ako nahuli. Nawala na siya, dahil alam ko sa loob loob ko na ikaw pa rin talaga. Na ang hirap hirap mo ng tanggalin sa sarili ko.

Ngunit ngayon, ano na ang nangyayari. Kung kailan ako na ang humahabol sa iyo. Kung kailan na sayong-sayo na ako, kung kailan may oras para magsimula muli, tsaka mo sasabihin na ayaw mo. Tsaka mo sasabihin na hindi ka pa handa. Kung kailan alam mo na ikaw na lang ang meron ako, tsaka mo babawiin. Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Na ginawa ka lang na aso na pinapahabol ng bola, pero sa huli ay mawawala ka rin. Ang sakit lang, sa totoo lang.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Andaming oras na ikaw ang iniisip, andaming gabing ikaw ang panaginip, andaming  nararamdaman, nagkahalong pag-ibig at sakit sa twing nirereject mo ako. Sa twing ipinapakita mo ngayon na wala. Na tinutulak mo lang ako papalayo.

Ang sakit sakit na lang rin.