panong mag uusap if you keep brushing me off?
na twing magtatanong ako kung pwede ka, di ka pwede pero pag sa ibang tao, coincidental or not, pwede ka?
ang labo labo na kasi. and frankly, masakit na siya. Di mo pa kasi nasusubukang ma ganito.
Every time I try, laging hindi pwede. Well, kailan pa magiging pwede? pag may iba ka na? Pag may iba na naman akong gusto? Or wala naman talagang perfect time para makasama ka? Palagi kang may plano.
Believe me, I'm trying to get a hold of you, I'm trying to reach out to you, I'm trying. God knows I am. Pero bakit however i try, nababasura mo lang? Na parang wala lang para sa iyo?
Pero pag nawala ako, lagi kang andyan.
Siguro nga tama ako, Pinapanatili mo lang ako na nasa likod mo, habol ng habol sa iyo, pero wala ka naman talagang intensyon o balak pagkatapos. Gusto mo lang malaman na nasa likod mo lang ako. Kasi alam mo na kahit anong mangyari, naandito pa rin ako para sa iyo. Na kahit anong pangbabalasubas, at pagyuyurak ng pagkatao ang mangyari sa akin, naandito pa rin ako para sa iyo.
Sana mapag-isipan mo man lang.
Kasi tao rin naman ako.
May mga nararamdaman din ako.
Hindi naman ako bato.
OO, MAHAL KITA,
pero,
sana wag mo naman akong tratuhin ng ganito.
No comments:
Post a Comment